Hey, Dear!~What we have here is a bona fide mind under a faux persona. Ako si Fannie.
Bakit nga ba ‘Fannie?'
Tulad ng karamihan, hobby-writer ako sa Watty under the username ‘dreamerdork’. Pero dahil ayaw ko ng unnecessary attention at wala naman konek ang mukha sa pagsusulat, I chose to go under a pseudonym. ‘Fannie’ roots from the word ‘fan’, because I found myself before to be a fan girl. Feeling pamaypay lang, ganon. Tapos SONE ako, at doon na-inspire sa nickname ni Tiffany na ‘Fany’ ‘yung Fannie (pero hindi ko siya bias haha). Isa pang factor sa pag-come up sa name nan aka-contribute sa penname kong ‘Fannie’ ay si Ate Denny (HYSTG). Kinagagahan namin works niya noon. Siya ‘yung nagdala sakin to my Wattpad writing career (feeling may career). She’s the one who brought me to online writing, and medyo naging homage sa kanya yung ‘Fannie’, ala contraction ng ‘Fan ni Denny’. Yung middle initial ko na ‘T.’ at family name kuno na ‘Yan’, personal touches na. PS: Hindi ako of Chinese descent . Only dissent for China dahil sa atin ang West Philippine Sea HAHA. Pano ka nagsimula?
I’ve always been writing. Una kong naalalang story ko, sinulat ko sa isang writing notebook (yung blue at red lines?). Pencil pa ata pangsulat ko noon. Tungkol siya sa babaeng nagngangalang Mae na may aso. At hindi ko rin alam kung bakit sobrang common ng naisip kong pangalan haha. May drawing-drawing pa ako sa loob nun eh; kunwari attached pictures and whatnots. Siyempre, eventually natuto rin ako mag-cursive. Kaakibat ng cursive na sulat ang pag-upgrade sa composition notebook. Sa composition-type notebook ako unang nagsulat ng seryoso-pero-hindi-talaga story na binigyan ko ng title na “She’s Imperfect”. Una ko siyang ki-nonceptualize as bullets sa memo ng phone ko. Nung third year, nagkaroon ako ng group of friends na natripan mag-publish sa Watty ng kwento, matapos i-introduce samin ng isa kong friend ‘yung DNP. Dahil ako naman ‘tong hindi pala-aral, ako lang ‘yung nakatapos ng story sa aming magkakaibigan HAHA (pero tuma-top naman sa klase ang ate niyo hihi). After a while, di-nelete ko ‘yung story pero binalik ko rin siya as ‘Taming Tigers’ yehey! Ngayon, ine-explore ko sarili ko hindi lang sa pagsusulat, pero pati na rin sa labas ng pagsusulat. Nagkaron ako ng mga frustrations sa pagsusulat, sa totoo lang. Pero naniniwala akong hindi ko mawawala sa sarili ko ‘yung pagiging manunulat. Marami pa akong ideas; abangan niyo na lang hihi. Salamat sa mga mambabasa na sumusuporta! :>
|
Kung gusto akong i-stalk, kilalanin mo ako sa iba ko pang mga SNS:
|